Home

i'm moving out!

  • Sep. 3rd, 2008 at 12:23 PM
happy party
so this is my last post already. i'm not happy anymore here. it was so hard letting this go cuz of the memories the posts here have, but the more i hold on, the more difficult to let go. anyways, you can find me at:

http://praningatparanoid.wordpress.com/

well, i guess this is goodbye to LJ and hello to wordpress! ja ne! till next blog post!

RESTLESS.

  • Sep. 1st, 2008 at 9:22 PM
happy party
kaya pala hindi ako mapakali kagabi. well, this may sound very corny and overly dramatic because ano lang ba ako, isa lang fan na adik na adik. naoperahan pala kanina si ely buendia. again. angioplasty na naman. but i read he's okay now, and that he's currently resting. sana magbalik yung health niya. ayun lang.

odaijini ely!

08302008

  • Aug. 31st, 2008 at 9:57 PM
happy party
one word: surreal!

nahipan ata ako ng masamang hangin at hanggang ngayon ay nakangiti ako at tulala sa saya ko kagabi.

gumawa ako ng listahan ng mga pangarap ko sa buhay mga dalawang taon na ang nakakaraan, at kasama doon ay ang mapanood ang reunion concert ng eraserheads. hindi ko na naisip na matutupad pa yon, o mas tama yatang sabihin na matutupad iyon nang ganito kaaga.

kahapon, agosto 23, 2008, ginanap ang pinakainaabangang reunion concert ng eraserheads. sa nabasa ko somewhere, mga 60,000 tao daw ang nanood, siguro hindi pa kasama yung mga jumping jologs na nasa labas (re: jackass of balintawak). hanggang ngayon, masasabing ang eraserheads ang bandang nakayang pagsamasamahin ang lahat ng uri ng tao (at nakaya nilang punuin ang venue in just 3 days of selling the tickets!), mula sa mga shoshal hanggang sa mga jologs. mula dun sa kinayang kayang makabili ng patron ticket, hanggang sa mga nandun sa gen ad, mga VIP at mga super VIP (ang mga VIP daw ay friends ng mga SVIP na friends ng eraserheads.. joke ko lang to), hanggang dun sa mga taong hindi na naafford ang concert at tumambay na lang sa labas, kuntento nang marinig ang boses at musika ng eraserheads.

antagal ko tong hinintay.

pahirapan sa pagpasok. pati camera binawal. yung payong ko pinaiwan. sobrang sikip sa dami ng tao. halos wala na akong makita sa sobrang tangkad ng mga nasa harap namin. yung tatlong oras naming hinintay para sa concert ay parang hindi na matatapos, considering na naghintay kami ng taon para sa concert na ito.

biglang nagsimula ang countdown.

hindi ko alam kung ano naramdaman ko noon. pero grabeng excitement kasabay ng pinaghalu-halong kaba, saya, konting pagod, thrill, lahat na, nafeel ko dun sa 10 minutes na yun. bawat minutong nalalagas, tumitili ang mga tao (kasama na ako syempre). at yung huling sampung segundo yata ang pinakapuno ng tensyon. hindi mo kasi alam kung ano ang ieexpect. nandyan ba sila talaga? tutugtog na kaya agad? ano ang first song??

alapaap.

nasa alapaap ako nung pinakita yung mga pictures nila. nung pabilis nang pabilis yung background music at ang pagflash ng mga lumang larawan. at nung sa wakas ay narinig na ng audience ang riffs ng gitara sa pamilyar na intro ng kanta.

may isang umaga na tayo'y magsasama

surreal talaga. para sa isang newbie fan na tulad ko, na hindi man lang nakagisnan ang eraserheads, na hindi nagkaroon ng pagkakataong mapanuod maski isa sa mga gigs at concerts nila, parang panaginip yung marinig yung pamilyar na boses na yon. para akong nananaginip lang, na pag pinikit ko yung mga mata ko, naririnig ko yung mga kantang madalas nagpeplay sa mp3 ko, iyon nga lang, naririnig ko na sila nang live. hindi ko sila ganong makita dahil nga sa kapal ng tao, pero yung pagkakataong marinig lang maski isang kanta nila, sulit na sulit na yung 1300 na binayad ko.

ang alapaap, sinundan ng ligaya. grabe. yung mga kanta nila, ever since, kumukunek sa nararamdaman ng mga tagapakinig. parang alam nila kung ano iniisip ng mga tao, at alam nila kung paano sila pasisiyahin.

nakitili ako. nakikanta. nakitalon. nakibahagi sa 2 oras ng sayang binigay nila.

kinilabutan ako sa huling kanta. aminado akong kailan ko lang napakinggan iyon, pero naging isa iyon sa mga pinakapaborito kong kanta nila. sabi nga sa isa sa mga blogs na nabasa ko tungkol sa concert, maaamoy mo kung sino ang super fan sa hindi. sabi niya, habang yung iba ay nakakunot ang noo at nagtataka kung anong kanta iyon, may ibang napatili at napatalon sa tuwa nang marinig iyon. isa ako sa mga tumalon. kasama si ma'am tesha, parang nagbalik na rin ako sa dekada 90. oo wala akong ganong alaala noon, pero dahil fan, hindi ko maiwasang makisama sa mga beteranong fan ng banda na magbalik sa nakaraan. sabi nga ni ma'am tesha, nostalgia overload. totoo. kahit akong walang alaala as a fan/groupie ng eraserheads, para akong na-time warp nung narinig ko ang mga kanta nila.

I look forward to tomorrow
But can’t leave yesterday behind
How it feels so strange
To have grown and change
Now its not the same

perfect last song ang lightyears. bittersweet. nung narinig namin yung announcement na pinuputol ang concert dahil nasugod sa ospital si ely, naisip ko, ok na. sobra sobra pa nga. isang kanta lang hinihingi ko noon pa, nakakuha ako ng labinlima. 45 minutes lang ang napagusapan noon, naging dalawang oras. kumpleto na talaga. at ang last song, cmonst ang kilabot na nadulot sa akin.

masasabi kong parang walang nagbago sa kanila. sila yung naririnig ko sa gasgasado kong mp3 player. sila yung bandang nagpeplay sa cds na binili ko. sila pa rin. pero sabi ng marami, nagbago sila musically. mas gumaling. mas nahasa. meron ding nagsabi na hindi na sila eraserheads. sila na sina ely, raymund, buddy, and marcus. ewan ko. basta kuntento na ako na napanood ko sila.

that's one dream off my dream list.

hanggang ngayon, hindi ko madescribe ang nararamdaman ko. yung napanood ko sila at nakasama ako sa pagtili at pagkanta ng mga kanta nila. yung nakasama ko yung fans old and new. yung nandun ako mismo sa event na iyon. siguro yun na nga lang, surreal.

thanks ma'am tesha para sa tickets and para sa lahat! salamat sa pagsama sa akin dun, at sa pagshare ng blissful at surreal na event na yun. grabe. anlaki ng utang na loob ko sa inyo. i owe you this concert. til next concert po kung meron! haha..

thanks also to tabachoi for his blog post here: http://tabachoi.blogspot.com/.

PS:
tinry kong gawing kwela tong post na to pero alam ko i failed miserably. dahil na rin sa pageemo ko tungkol sa concert na ito na matagal kong hinintay. naging drama post tuloy ito instead of a funny one.

PS ulit:
para sa akin to, yung set list nila. para hindi ko malimutan ever.

Alapaap
Ligaya
Sembreak
Hey Jay
Harana
Fruitcake
Toyang
Kama Supra
Kailan
Wag Kang Matakot
Kaliwete
With A Smile
Shake Yer Head
Huwag Mo Nang Itanong
Lightyears

**thanks ulit to Tabachoi for this!

at ang mahiwagang second set na nakuha ko from the Circus mailing list (thanks so much kahit lurker lang ako dun!):

Maskara
Poorman's Grave
Torpedo
Trip to Jerusalem
Back to Me
Maselang Bahaghari
Maling Akala
Tikman
Spolarium
Magasin
Para Sa Masa
Overdrive
Pare Ko
Minsan
Huling El Bimbo

**kahit kuntento na ako sa first set pa lang, parang ang hirap maiwasang hindi magcrave for more nung nakita ko tong list ng second set. bitin pa rin yung concert kahit na busog na busog na ako sa first set nila (gulo ng analogy noh? pero anyways..).


Last PS:

dear papa god,

sana maging ok na po si ely and sana marestore nyo ang kanyang health. bigyan nyo pa po siya, kasama nila raymund, buddy, and marcus, ng mahaba pang buhay para makapagperform pa sila at makapagpasaya pa ng milyun milyon nilang fans. thank you rin po sa maganda at astig na concert kahapon!

love,
kristina


Last Last PS:

hindi ko lang mapigilan ang dagdagan nang dagdagan ang post na ito dahil sa dami ng gusto kong ishare at ikwento. pero anyways, here goes:

pinramis ni raymund marasigan ang another eheads concert as soon as possible (napulot ko naman sa sandwich mailing list). i don't know how to feel about it. syempre nandun yung excitement at ang pagbabalik ng images from yesterday's concert. i felt guilty rin kasi lagi kong sinasabi na kuntento na ako sa 2-hour concert nila, pero eto ako craving for more. tapos sa kabilang banda, naisip ko wag na lang irush yung second concert kung meron man, para naman in full condition si ely, at para medyo prepared na ang lahat. tapos, astig din naman kung as in one night only lang ang reunion nila noh? tipong tatak talaga sa history dahil puno ng issues, controversies, dramas, and xempre, mga jumping fans.

ESTD: Ang Huling El Bimbo

  • Aug. 29th, 2008 at 10:58 PM
happy party
bukas na ang concert ng eheads! and for my last estd post, i decided to choose el bimbo as it is, perhaps, the most famous song of the eraserheads both here and abroad. i wanted to choose an eheads song i really really like (like maselang bahaghari, julie tearjerky, spolarium, etc) but i guess they are too many that i just chose el bimbo.

as i always say, i am uber excited for the concert tomorrow!! i also bought 3 cds this week, and i'll be buying 2 more after the concert. by then, i should have completed my collection of eheads cds. also, i heard they will release a boxed set (plus a shirt!) very very soon and i don't know if i can afford that. maybe i will just have to work for it ne.

speaking of work, i haven't mentioned it here but i am trying to apply for an english teaching job (yappari) online. it's like i do the lessons on skype, and i only teach for around 25 minutes per person. sounds cool ne? but i'm having second thoughts just cuz i'm too lazy and i don't know if i can handle working every day. i don't know. let's just see. i'm still waiting for my interview schedule so please keep your fingers crossed for me. i need this to buy my eheads stuff.

i went to school again today. treated my friends some UP isaw (which i haven't eaten for a loooong time) and it was good. also, i saw my friend for the last time today. she will be going to japan on sunday and it's sad that she'll be leaving me here. i wanted to come cuz i miss japan so badly, but then i guess i will be stuck here studying. gaaakkk..

i will be applying for JLPT level 2. i doubt i can make it cuz i haven't started studying my kanjis. perhaps i have like 300 kanjis already, only a couple of hundreds more. blaaaah.. it never ends. i hate memorizing these stuff! oh well, i still have next year if i fail this round. haha. hopefully not.

i'm freakin excited. wish me luck tomorrow! and hopefully, i can buy eheads mercs tomorrow too.

did i say i'm excited for the concert? cuz i am. really.

ESTD: Slo Mo

  • Aug. 27th, 2008 at 11:30 PM
happy party
went to UP today for my org's GA. met so many friends, and stayed there until 8pm. well, it was good seeing my org again, and it felt really good that it's now my turn to sign the apps' sigsheets and ask for weird 'special requests'. can't wait for their final interview and final rites. yay! it's pay back time.

(well, i don't think i can do so much 'bad' stuff to them cuz i just can't)

eraserheads' concert is on saturday already! can't wait! ma'am tesha will buy the tickets tomorrow. i'm uber excited. and uber is an understatement. :D

Lost?

Most probably, you are. But if not, then the author is certainly happy to have you here.
This blog is mostly about the author's life, rantings, insanity, and paranoia brought about by drinking too much coffee as a child. This blog was created out of the desire to keep track of what is happening in her life, as she is found to be suffering from Goldfield's Syndrome, making her forget everything that has happened to her.
Though she isn't sure why you are here, she is sincerely happy you visited, so do leave comments on her posts.
Pardon the random usage of Tagalog and Japanese. しかたないね, ganyan talaga ang buhay. :D

Dream List

You can see some random things about the author here.

Advertisement

Profile

happy party
[info]tinaboii
kristina

Latest Month

September 2008
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930    

Syndicate

RSS Atom
Powered by LiveJournal.com
Designed by Taichi Kaminogoya